Walang parusang ipinataw ang ABS-CBN kay Albie Casino

HABANG si Andi Eigenmann ay kinakaawaan dahil sa diumano’y pang-iiwan sa kanya ng lalakaing nakabuntis, heto naman ang sinasabing salarin na si Albie Casino, naliligalig ang pamilya na abot-abot ang mga dasal para malampasan nga ni Albie ang di magandang karanasan.

Oo nga naman, may ibang side ang istorya ni Andi at ito nga yung kung ano ba’ng kinalaman ni Albie sa pangyayari. While the family is fully supporting Albie, halata na nahihirapan sila dahil hayagan nga na sinisira ng mga pangyayari ang kanyang career at buhay. Hindi nga naman biro yung mawalan ng pagkakakitaan lalo na sa panahong kailangan siya ng kanyang pamilya.

“Humuhugot na lang kami ng lakas sa Diyos, salamat naman at may mga tao pang nagtitiwala kay Albie,”  sabi raw ng nanay niya.

Lumabas pala sa “MMK” (Maalaala Mo Kaya) si Albie at nag-taping ang naturang episode matapos ang buntisan isyu.

While puwedeng ipagpalagay na kaparusahan kay Albie yung pagkaalis niya sa ilang youth-oriented projects niya, meron pa rin naman palang trabahong nakalaan sa kanya.

Puwedeng ipakahulugang kaya siya tinanggal sa dalawang proyekto niya ay dahil nga nagbago ang kanyang teeny-boppy image sa balitang nakabuntis na siya. No matter what, may turn-off factor sa kanya ang ilang kabataan na siyang inaasahang susuporta sa “Growing Up” at yung isa pang project. Instead, ABS-CBN got Enrique Gil to play his parts.

Like we say, hindi naman pala parusa yung pagkatanggal ni Albie at sa halip matindi rin daw ang suporta ng ABS-CBN sa kanyang career. Sa anumang anggulo nga naman titingnan, lumaki ang popularidad ni Albie dahil sa pagkasangkot niya sa isyu.

At bakit para namang si Albie lang ang sinisisi ng pamilya ni Andi sa pagbubuntis niya? Na para bang lumabas na pinilit lang nito si Andi.

Sa true, malaki ang papel na ginampanan ni Andi sa kanyang pagpakapariwara.

Wag na nating sabihing kulang sa moral values si Andi, let us just suppose na nadala lang siya sa laki ng pag-ibig sa lalaking bumuntis sa kanya.

Nagsabi na naman noon pa ang pamilya ni Albie na hindi nila tatalikuran ang bata, pero yung pangangatawanan ang baby at this point, desisyon nila yun dahil bata pa kapuwa sina
Albie at Andi. Ewan nga naman, bakit lumaki ang simpleng isyu na nabuntis nga si Andi at ano naman ang masama kung si Albie ang nakabuntis sa kanya?

Ang higit na mahalaga ngayon, sana matuto na silang dalawa sa naging karanasan nila.

***

Ruffa G hanggang kamatayang ipaglalaban ang dalawang anak kay Yilmaz Bektas

SHOCKED, but Ruffa Gutierrez tries to keep her cool at ayaw nang mag-ingay sa isyung nakakuha’ng ex-husband na si Yilmaz Bektas ng custody rights sa mga anak nila and that the children will soon fly to Turkey. Sa isa niyang recent tweet, parang inamin na ni Ruffa na totoo ang pinag-uusapang balita.

“Just received a shocking phone call. The storm I was anticipating is coming, SOON. Pls pray for me as I fight the biggest battle of my life,” tweet ni Ruffa recently.

Ito kaya ang reaction ni Ruffa sa nabasa namin sa isang Twitter account (hindi kay Ruffa, ha) na sinasabing nakuha ni Yilmaz ang custody rights sa mga anak nilang sina Lorin at Venice sa ilalim ng Turkish law?

Anyway, nagpakita ng suporta ang mga followers ni Ruffa sa Twitter kaya naman nagpasalamat ang TV host-actress.

“Thank u po for your concern and all your prayers! I will be needing it. I will try my best to be quiet for the sake of my 2 girls. I will fight for them until my last breath,” tweet ni Ruffa.

Tiyak na magiging isyung malaki ito sa showbiz and no matter how Ruffa will try to be silent, some camps supporting Ruffa would surely cause a stir to this issue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply