Walang SONA speech leakage ngayon – Palasyo

TINIYAK ni presidential spokesman Edwin Lacierda na walang nang magiging leakage ang State of the Nation speech ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“We’ve discussed several measures on how to avoid a leakage. It’s now being finalized to make sure that what we’ll be doing will not be prematurely leaked to anyone,” ayon kay Lacierda.

Matatandaang tila may pinaburan ang Palasyo na isang TV network na nakakuha ng paunang kopya ng talumpati ng Pangulo noong nakaraang taon.

Inilabas ng naturang media network sa kanilang facebook account ang kopya ng speech ng Pangulo pagkatapos na pagkatapos ng kanyang SONA.

Dagdag pa ni Lacierda personal na tinutukan ng Pangulo ang kanyang magiging speech sa darating na Lunes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply