Wally at Jose mas magaling pa raw sa Pugo at Togo tandem

FRESH pa sa isipan ng co-owner ng Zirkoh na si Lito Alejandria ang pagka-imbyerna niya kay Angeli Pangilinan, asawa ni Gary Valenciano, kamakailan lang nang sabihin ng una na di raw dapat nag-concert doon si Duncan Ramos which proved a monster hit anyway. (Kaya naman sobrang tuwa ang kapatid Jobert Sucaldito sa pagsugal niya sa talent ng kanyang anak-anakang si Duncan.)

Come to the defense si Lito A. again nung sabihin ng isang malabigang reporter na ang resident comic and singing duo ng Zirkoh na ka-tandem weekly ni Allan K na sina Wally Bayola at Jose Manalo ay coterminous lamang ang kasikatan sa kasikatan ng “Eat Bulaga” sa pangunguna ng kanilang iconic mentors na sina Vic Sotto at Joey de Leon.

“Exuse me,” sabi pa ni Lito. Marami na raw kasing beses na napatunayan ng tandem nila Wally at Jose na kahit saan sila mag-show mapa-local o sa abroad ay consistent super-hits palagi ang kanilang irresistible partnership. Hindi lang daw sa Zirkoh kung saan sila ay may avid fan followers.

Hindi naman idinenay ni Lito A. na tunay nga na for a time at hanggang sa ngayon naman, one way or other, ay nakatayo pa rin ang dalawang comedians sa kasikatan nila Vic at Joey. Pero sa ngayon raw ay nasa kakaibang level na ang kasikatan ng dalawa. Very much on their own na silang dalawa ‘ika nga.

Prediction pa ni Lito A., heir apparent daw sa kasikatan ng Pugo at Togo tandem ng Phil. showbiz nung 1940s hanggang sa 1960s ang partnership nila Wally at Jose ngayon. Naging institusyon ang brand of humor nila Pugo at Togo na pinilahan noon nang walang humpay sa mga sinehan tulad ng Clover at Avenue Theater. Pero notch, notch higher naman daw ang talent nila Wally at Jose dahil the two are damn good talented singers as well. Naman.

Once more, patutunayan nila Wally at Jose sa July 16, 11:00 p.m. sa Zirkoh ang kanilang wacky kind of comedy and good singing voice sa bago nilang pakulo billed “Pirates Of The Comedians,” spoof sa isang napakasikat at hit na pelikula ni Johnny Depp. Saan ka pa? Tawag na sa SM Tickets 470-2222 o sa Zirkoh 376-7287. Kasama rito sina Gladys Guevarra, Atak at iba pang surprise guests from showbiz sa pangunguna ni Jake Cuenca na nagbabadyang makikiisa sa pagpapakilig live ng kanyang audience sa unang pagkakataon. Promise daw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply