‘Waste management’ ituturo sa elementarya

DAHIL sa lumalalang problema sa gabundok sa basura at polusyon, kailangang turuan ang mga mamamayan ng wastong paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura, gayundin kung paano mapakikinabangan pa ang mga itinatapon.

Layunin ng House Bill no. 4561 na iniakda ni Manila Rep. Carlo Lopez na ituro o gawing paksa sa elementarya ang wastong impormasyon at paraan ng recycling at composting.

“Ang tamang kahalagahan at kalidad lalo na sa kapagiliran ay magiging malaking tulong para sa pamahalaan para malunasan ang problema sa basura at polusyon. Hindi na natin kailangan pa ang awtoridad, institusyon at indibiduwal na laging nagpapaalala kung ano ang dapat gawin at paano ito gawin,” wika ni Lopez.

Aniya. mapoprotektahan ang kahalagahan sa anumang bagay na makukuha sa wastong paghihiwalay ng basura at maiiwasan ang kontaminasyon para manatiling malinis, malusog at makaiwas sa peligro ng nakakalasong dumi.

Sa ilalim ng panukala, isasama ng Department of Education (DepEd) sa curriculum sa pribado at pampublikong elementarya at mataas na paaralan ang pagtuturo ng recycling at composting bilang bahagi ng paksa sa kalusugan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply