Wesley So tumabla sa round 11

TABLA si Grandmaster Wesley So kontra kay GM Mark Paragua sa 11th round  para manatilingpangkahawakan ang liderato sa National Chess Championships: 4th Battle of the Grandmasters sa National Press Club.

“Mark is a dangerous opponent. Hindi ka p’wedeng maging sobrang agresibo against him,” sabi ni So na nakipaghatian ng puntos kay Paragua sa 31 moves ng Catalan.

Ang 17-year-old So ay tangan ang total 8.0 points, full point ahead sa  tournament supported ng Pilipinas Shell, Manila Pavilion Waterfront Hotel and Casino, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, NPC, Remate at Hataw (JSY Publication).

Pero hindi pa nakatitiyak sa titulo si So kung saan ay nakabuntot si GM Eugene Torre.

Ang living legend ng Philippine chess ay nagwagi kay International Master Richard Bitoon.

“I outplayed him in the opening and he was forced to give up a pawn for us to have opposite colored bishop,” sabi ni Torre na nagwagi sa 69 moves ng London System Opening, para makisalo sa second place kay IM Oliver Barbosa na may 7.0 points.

“Medyo mahirap na habulin si Wesley dahil two rounds to go na lang, but I will give it a try,” sabi ni Torre.

Si Barbosa ay tabla kay GM Darwin Laylo sa 31 moves ng Queen’s Gambit Accepted.

Bumagsak si Bitoon sa fourth hanggang seventh places kasama sina Laylo at GMs Rogelio Antonio at Joseph Sanchez na may tig 6.5 points.

Tabla si Antonio kay IM Jan Emmanuel Garcia sa 58 moves ng English Opening habang tabla din si Sanchez kay GM John Paul Gomez sa 45 moves ng Slav Defense.

Sa iba pang resulta, nakaungos si IM Yves Ranola kay GM Rogelio Barcenilla, Jr. sa 22 moves ng Sicilian habang angat si IM Rolando Nolte kay GM Roland Salvador sa 63 moves ng Caro Kann.

Sa distaff side, panalo si defending champion Woman FIDE Master Rulp Ylem Jose kay WFM Marie Antoinette San Diego sa ninth round nitong Huwebes tungo sa 8.0 points. si Jose, isang MBA student sa FEU-Makati, ay angat ng 1.5 points sa kanyang closest pursuer na may two rounds pang laro.

Tinalo ni Reigning national junior GU-20 champion Woman National Master Janelle Mae Frayna si WNM Jan Jodilyn Fronda tungo sa solo second place na may 6.5 points.

Sa iba pang resulta, tinalo ni WNM Jedara Docena si Woman International Master Beverly Mendoza; panalo si WNM Jenny Rose Palomo kay Mira Mirano; dinaig ni Shania Mae Mendoza si Rowelyn Joy Acedo; at tabla si WFM Cherry Ann Mejia kay WIM Catherine Perena.

Ang 10th at penultimate round sa women’s division ay mamayang gabi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply