Whistleblowers program isusulong ni Escudero

IREREKOMENDA ni Senador Francis Escudero na bumuo ng whistleblower program ang Senado at Kamara.

Ayon kay Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, nakapaloob sa committee report bilang 47 ang pagbibigay ng Kongreso ng seguridad at tulong pinansyal sa mga lumalantad na whistleblower.

Sinabi ni Escudero na maraming tumestigo sa Kamara at Senado ang napapabayaan matapos magbigay ng impormasyon hinggil sa kasong katiwalian at iba pang maanomalyang transaksyon sa pamahalaan.

Ilan sa mga testigo ng Senado na nagreklamong tinanggalan sila ng security at benepisyo ay sina Sandra Cam sa jueteng gate scandal, Sgt. Vidal Doble sa Hello Garci controversy, Boy

Barredo sa fertilizer scam, Jun Lozada sa NBN-ZTE deal at sina Ret. Col. George Rabusa, Heidi Mendoza at Col. Sonny Lim sa AFP mess.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply