Yao Ming umayaw na sa NBA

NAGDESISYON na si Houston Rockets superstar Yao Ming na magreretiro na matapos ang kanyang sampung taong karera sa Natioanl Basketball Association.

Nagbunsod umano ang pagpapasyang magretiro ang 7’6″ superstar dahil sa tinamo nitong malalalang injury sa kanyang paa.

Katatapos palang ng kontrata ni Yao sa Houston noong ika-30 ng Hunyo na nagkakahalaga ng $76 milyon.

Sa isang pahayagan ng China nalathala na sinasi ni Yao na umaasa pa siyang makakapaglaro sa isang champion team sa mga susunod na panahon.

“I don’t know if I would join some champion team in the future. I don’t even know if I can play again,” ani Yao.

Si Yao Ming ay may average na 19.0 point at 9.2 rebounds kada laro sa kanyang pananatili sa Houston Rockets.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply