Yilmaz Bektas desididong mabawi ang mga anak kay Ruffa

MAGPA-FILE daw ng custody case si Yilmaz Bektas para kanyang makuha ang dalawang anak n’ya kay Ruffa Gutierrez. Pero hindi malinaw sa ulat ng isang network at isang entertainment website kung saan magsasampa ng kaso ang Turko: Sa sarili ba n’yang bayan sa Turkey o dito sa bayan ex-wife n’yang si Ruffa? Pwede bang magdemanda sa Pilipinas ang isang Turko na nasa sarili n’yang bayan? Kung sa Turkey siya magde-demanda, maku-compel kaya ng Turkish court na pumunta ru’n si Ruffa at harapin ang kaso?

Feeling namin, nagpapapansin lang si Yilmaz kaya nagbabantang idedemanda n’ya si Ruffa. Kung seryoso siya na makuha ang mga anak n’ya, dapat ay sa isang abogado agad siya dumulog, hindi sa isang television network. Nag-email siya sa GMA News para ibandong idedemanda n’ya si Ruffa para makuha ang mga anak nila.

Mali-mali ang Ingles sa sulat. Halatang hindi isang abogado na marunong mag-Ingles ang gumawa ng sulat na ipinablish naman ng isang entertainment website.

Bakit kaya gustung-gusto ni Yilmas na ma-publicize sa Pilipinas? May balak kaya siyang maging artista dito sa bansa?

Actually, kakikita lang namin kay Ruffa at sa dalawa n’yang anak sa studio ng “Paparazzi” sa TV5 nung nakaraang Linggo. Behaved na behaved naman yung dalawang pagkagagandang batang babae. Kahawig ni Ruffa yung isa at mukhang Turko naman yung isa. Kung hanggang sa pagtatrabaho n’ya ay isinasama ni Ruffa ang mga anak n’ya, ibig sabihin ay hinding-hindi n’ya pakakawalan ang mga yon sa ex-husband n’yang inaakusahan n’ya ng pagmamalupit sa kanya.

Years from now, kung totoo ngang si Albie Casi?o ang ama ng nasa sinapupunan ni Andi Eigenmann, di kaya siya man ay magdemanda ng child custody?

Of course, sa ngayon ay idini-deny ng batang aktor na siya ang ama ng ipinagdadalantao ng anak nina Jacklyn Jose at Mark Gil. Pero posibleng paglipas ng ilang taon, kapag nakaramdam siya ng tinatawag na “lukso ng dugo,” siya naman ang hahabol sa anak n’ya kay Andi. At ewan natin kung ano ang magiging reaction ng aktres.

Mabuti naman at sina Piolo Pascual, Dennis Trillo, Patrick Garcia, Vhong Navarro, at Marvin Agustin ay hindi kinakailangang maghabol sa kanilang mga anak. Kung pati sila ay magdadramang miss nila ang mga anak nila, tambak ng custody cases ang ating hukuman. Di ba’t pati sina Diether Ocampo at Jericho Rosales ay napabalitang may anak kung kani-kanino? Di kaya pag nakita nila kung gaano kamukha na nila ang mga anak na nung una ay itinatanggi nilang kanila, sila rin ay biglang magsampa ng custody case?

Sa dami ng mga lehitimo at di-lehitimong anak ng mga showbiz idol ngayon, ibig sabihin ay di tayo mauubusan ng magiging artista sa mga susunod pang taon. Hindi naman siguro darating ang panahon na mas marami ng artistang Brazilian dito sa atin kesa Pinoy. And, happily, dito sa atin, basta may itsura, handang magpaseksi sa harap ng kamera kundi man maghubo’t hubad nang lubusan, di na natin inaalintana lehitimo man sila o bastardo. Sa ngayon, baka nga mas marami sa showbiz idols natin ang di-lehitimo.

Hindi na nakakahiya ngayon na maging anak sa labas, lalo pa’t kung maganda ka naman o guwapo. Parang bumabalik na tayo sa panahong ang mga magaganda, guwapo, mapuputi at makinis ay mga anak ng prayle! Kaya nga siguro napaka-religious nating mga Pinoy, kundi man fanatic, ay dahil marami sa atin ang mula sa angkan ng mga prayle.

At kung totoong ultimong ang mga obispo at pari ngayon ay materialistic at makamundo, isang araw ay maglilitawan sa showbiz ang mga apo ng mga obispo at mga anak ng mga pari.
Siyempre pa, sa konserbatibong bokabularyo ng mga sinauna, mga bastardo at bastarda sila.

Ilang obispo at paring Pinoy kaya ang may mga anak na bastarda at bastardo? Yan siguro ang tunay na dahilan kaya ayaw nilang gumamit ng contraceptives ang mga Pinoy.

Kung lahat ng mga lukaret na babaing pumapatol sa kanila ay nagpi-pills, paano darami ang angkan ng mga obispo at pari?

Sana ay may gumawa ng indie films tungkol sa mga anak ng mga obispo at mga pari. Kailangang ma-expose ang mga kalaswaan at kapalaluan nila!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply