Ynez Veneracion: Pagod ang puso sa pag-ibig pagkatapos daw makipag-affair sa politician?

AYAW na raw umibig pa ni Ynez Veneracion. Ipapahinga na niya ang kanyang puso pagkatapos ma-link sa isang politician. Siya kaya ang Maguindanao Gov. Mangudadatu na minsan natsismis kay Ynez?

Quiet si Ynez sa past love life niya. Inamin niyang nag-mature na ang kanyang pananaw sa buhay ngayon dahil siya’y 30 years old na.

Sa ngayon, nahihilig siya sa mga bata, lalo na ang mga anak ng kanyang mga kapatid. Pero, di niya priority ang magka-baby. Gusto niya’y kasal muna, bago magka-baby pero di niya priority ito ngayon. Nasasabik daw siya sa pag-arte. Tatlong taong bakante siya.

Gusto naman niyang gugulin ang mahalagang oras niya sa acting. Tulad ng paglabas niya sa isang villain role sa “Munting Heredera.” Burado na muna sa isip niya ang pag-ibig. Gusto naman niyang maging lalong aktibo sa acting.

Ani Ynez, sa set ng Munting Heredera: “First love ko ang acting. Number 1 na gusto kong gawin ang pag-arte, pangalawa lang ang singing. Natandaan ko 17 years old ako nang ipinakilala bilang struggling bold star sa “Magtatahong” ng Regal Films.

“Laking pasalamat ko na ang bold image ko ay unti-unti kong naiwaksi sa isipan ng mga manonood. Nagawa ko ang sarili kong maging dramatic actress. Yan naman ang gusto kong mangyari sa buhay ko.”

Nang nag-taping siya ng Munting Heredera, talagang nahirapan si Ynez. Kinalawang talaga siya sa hindi pag-arte sa loob ng tatlong taon. Mabuti naman at tinulungan siya di Direk Maryo J delos Reyes, ang kanyang director rito.

Dati’y bitin si Direk Maryo J sa kanyang acting, pero na-motivate siya nang husto at ngayon ay inamin ni Ynez na pumasa na siya sa panlasa ng kanyang magaling na director.

***

NAKALULULA ang pagbibigay ng premyo na cash, prizes at give-aways sa first episode ng “Manny Many Prizes.” Unang sabak pa lang ay pinagbibigyan na ni Rep. Manny
Pacquiao ang live audience contestants ng P1,000 cash. Bukod pa rito kahit hindi naging contestants ang pumunta sa AFP theater, hindi umuwi nang luhaan. Lahat nakatanggap ng cash o giveaways.

Balita namin sa production ng GMA 7, nakapamigay si Manny Pacquiao ng over P2 million cash, prizes at give-aways. Kasi, basta audience pa lang ay guaranteed na di uuwi
nang luhaan.

Imagine sa finale game, kahit di natiyempuhan ng male contestant ang tamang box na nagsasabing bahay at lupa, ipinamigay pa rin ni Manny Pacquiao ang house and lot na grand prize dahil sa awa sa lalaki na baldado na ang katawan ay wala pa ring sariling bahay at lupa. May dalang tungkod ang lalaking contestant nang umakyat sa stage.

Next, abangan kung saang venue gagawin ang Manny Many Prizes. Sabi’y sa mas malaking venue ito!

***

MAGALING talagang mag-direct si Joel Lamangan. Kasi, naging makatotohanan lahat ang acting ng mga chartacters sa “Patikul” movie niya na entry ngayong 2011 Cinemalaya. Natural ang acting nina Marvin Agustin, Allan Dizon at Glaiza de Castro.

Sa tatlo ay walang nag-over acting, bagkus ang kanilang pag-arte ay tama sa sitwasyong hinihingi ng mga eksena. Cool na prinsipal si Marvin, cool na father si Allan at si
Glaiza ay cool na cool na teacher kahit ang mga eksena niya ay puwede siyang mag-exagerate ng acting dahil matatakutin siya.

Kahit full emotions na si Glaiza sa pagkamatay ni Martin sa istorya. Ipinakita niya sa kanyang mukha at pagluha ang pagdadalamhati. Hindi man lang siya humagulgol nang napakalakas. Talagang tamang-tama lang ang ipinakita niyang pag-arte sa iba’t ibang emosyon. Nakita namin kay Glaiza ang tamang reaction sa bawat sitwasyon. Tama lang pagkapili sa kanya bilang school teacher na kabado sa lugar na pinagtuturuan niya sa isang baryo sa Patikul, Sulu.

***

SUWERTE naman ni Chris Tiu dahil naka-one-on-one niya sa basketball si Kobe Bryant, ang pinakasikat na basketbolista sa buong mundo at No. 1 player pa rin ng LA Lakers. Nang dumalaw sa Pilipinas si Kobe recently, di niya makalimutan na makipaglaro sa Pinoy players. Isa sa mga hit na pinalakpakan nang husto ng fans ang paglalaro nila ni Chris. Kasalukuyang top player ng Smart Gilas si Chris na madalas ngayong manalo sa mga competition ng basketball sa abroad.

Nung Sabado ng umaga, inspired si Chris sa paghu-host ng “Ripley’s Believe It Or Not.” Kasi, nakalaro niya ang icon ngayon sa basketball na si Kobe.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply