Oras na ultimatum ng BJMP kay Zaldy Ampatuan di nasunod

HINDI natupad ang utos ng pamunuan ng Bureau of Jail Management Penology (BJMP) na hanggang 6:00 ng gabi kay dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan para manatili sa Philippine Heart Center.

Lagpas 6 ng gabi ay nananatili pa rin sa nasabing pagamutan si Zaldy.

Nauna nang sinabi ni BJMP director Rosendo Dial na ililipat na nila si Zaldy sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kapag hindi dumating ang utos mula sa hukom na may hawak ng kaso ni Zaldy.

Lumalabas na wala pa ring tugon ang ipinadalang sulat ng opisyal sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 221 hinggil sa nasabing kahilingan.

Kung sakaling ibalik sa Taguig, hiling ni Dial na magsama ng doktor para masigurong maayos ang kondisyon ng kalusugan ni Zaldy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply