Zaldy Ampatuan bumaligtad na

NAKAHANDA na umanong humarap bilang testigo si Zaldy Ampatuan, ang suspendidong gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), laban sa kanyang ama at mga kapatid kaugnay ng karumal-dumal na Maguindanao massacre.

Napaluha pa si Zaldy habang pormal nitong idineklara na haharap siya bilang state witness kaugnay sa kaso.

“Kahit sinong tatamaan sa impormasyong meron ako na pawang katotohanan lamang. Wala na akong pakialam kahit sinong magalit, nasira na ang buhay ko. Gusto ko mabigyan ng pagkakataon na maituwid ng tama. Di na ako takot,” sinabi ni Zaldy.

Magugunitang 57 katao , kabilang ang 32 journalists,  ang napatay noong Nobyembre 23, 2009 massacre  sa bayan ng  Ampatuan sa  Maguindanao na ikinukonsiderang pinakabayolenteng  krimen sa kasaysayan ng bansa na may kaugnayan sa pulitika gayundin sa hanay ng pamamahayag.

Kabilang sa isinasangkot sa krimen ang ama ni Zaldy na si Andal Sr. at mga kapatid na Andal Jr. at Sajid, kasama ang ibang miyembro  ng private army ng pamilya .

“Yung mga ibang akusado, na-arraign na. Ang kaso nila ay pinapakinggan na sa korte. Hayaan na lang natin ‘yung mga abogado nila na idepensa ang kanilang mga kliyente na akusado rin sa krimen na ito,” dagdag pa ni Zaldy .

Nakatakdang dinggin sa korte ang kaso ni Zaldy, ngunit pansamantala itong iniurong bunsod ng nakahaing petisyon nito sa Court Appeals na humihiling na alisin siya sa listahan ng  197 katao na kinasuhan ng 57 counts of murder.

Samantala sinabi naman ng abogado ni Maguindnao Gov. Esmael Mangudadatu na si private prosecutor Nena Santos na kinukumpirma pa nila ang mga ulat kaugnay sa pagbaligtad ni Zaldy na pumapabor sa prosekusyon ng kaso. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply