Zaldy Ampatuan poproteksyunan ng Palasyo

IPINANGALANDAKAN ng Malakanyang ang pagbibigay ng karampatang seguridad kay dating Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan kaugnay sa pagbaligtad nito bilang state witness at rebelasyon sa naganap na election anomaly noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi maaaring balewalain ang concern ni Zaldy Ampatuan sa kanyang sariling seguridad.

Ikinonsidera pa ni Lacierda na kahit akusado o biktima basta nagpapakita ng takot para sa sariling buhay at sa kanilang pamilya ay hindi dapat pabayaan lalo na ng gobyerno.

Matatandaang ikinatatakot ni Zaldy Ampatuan na balikan siya ng sariling kadugo matapos talikuran ang ama at mga kapatid sa kaso ng Maguindanao Massacre.

Samantala, nagulat si Maguindanao Congressman Simeon Datumanong sa mga rebelasyon ni dating Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan kaugnay sa 2007 mid-term elections.

Ayon kay Datumanong, wala siyang alam sa mga sinasabi ni Zaldy Ampatuan at wala rin itong naririnig na dayaan noong 2007 sa kanyang distrito.

Sinabi pa ng kongresista na nanalo ang kanyang kaalyado na si Senador Juan Miguel Zubiri pero ang natalo namang kandidato na si Atty. Coco Pimentel ay nakakuha rin ng malaking boto mula sa kanyang distrito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply