Zaldy Ampatuan susi sa protesta ni Pimentel

MAGIGING susi sa election protest ni Atty. Koko Pimentel ang naging pahayag ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan kaugnay sa ibinulgar na dayaan noong 2007 Senatorial Elections.

Ayon kay Pimentel, matagal na nilang alam na nagkadayaan sa Maguindao kaya desidido siyang isulong ang election protest laban kay Senador Juan Miguel Zubiri.

Naniniwala si Pimentel na palalakasin ng kanyang protesta laban kay Zubiri ang mga pahayag ni Ampatuan.

Batay sa pagbubunyag ni Zaldy Ampatuan ipinag-utos umano nina dating Pangulo at ngayo ay Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pandaraya.

Maliban kay Pangulong Aquino, naging target ng operasyon din ng pandaraya sina Senators Panfilo “Ping” Lacson at Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Zaldy, ang boto para sa tatlong senador ay inilagay para kay senador Juan Miguel Zubiri.

SInabi rin niya na pinuntirya umano si Lacson dahil masyado umano nitong binabanatan ang dating Pangulo at ang  First Gentleman.

Bukod dito, maaaring kunin ni Koko Pimental na witness si Zaldy Ampatuan sa election protest nito, dahil siya umano ang talagang nanalong senador na nasa ika-12 pwesto at hindi si Zubiri.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply