Zaldy Ampatuan tinanggihan ng St. Lukes, Taguig

TUMANGGI ang St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig na tanggapin bilang pasyente si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan.

Ayon sa sumbong sa korte ng abogado nitong si Atty. Redemberto Villanueva, ginamit na rason ng ospital ay ang isyu sa seguridad kung kaya tumanggi sila na tingnan ang medical condition ng kanyang kliyente.

Una rito, bagama’t pinayagan ng korte ang pagpapagamot sa isang private hospital ni Zaldy Ampatuan, pero pinaalalahanan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 22 ang akusado na hanggang check-up lamang ang gagawin nito.

Batay sa ipinalabas na desisyon, pinayagan ng korte ang kahilingan ng isa sa mga pangunahing suspek sa Maguindanao massacre case na magpatingin sa isang pribadong doktor dahil sa high blood at sakit na diabetes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply