Zaldy pabalik na sa Camp Bagong Diwa

PABALIK na sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City ang suspendidong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan mula sa Philippine Heart Center sa Quezon City, kung saan ito na-confine dahil sa iniindang sakit sa puso.

Umalis na sa PHC ang convoy ng ambulansiyang maghahatid kay Zaldy Ampatuan sa Camp Bagong Diwa kasama ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang pagpapabalik kay Zaldy Ampatuan sa piitan at matapos na ilabas ang desisyon ni Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes sa hiling ng kampo ni Ampatuan na manatili pa ito pagamutan.

Iniutos ng korte na dapat hanggang alas-12:00 lang ng tanghali manatili sa naturang ospital si Ampatuan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply