Zaldy tinabla ng St. Luke’s

MATAPOS payagan ng korteng makapagpagamot sa labas ng kulungan, inayawan naman ng St. Luke’s Medical Center Lunes ng umaga si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan dahil “security risk” umano ito.

Sa kanyang manipestasyon sa Quezon City Regional Trial Court, inireklamo ng abogado ni Ampatuan na si counsel Redemberto Villanueva ang St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig na umano’y tumabla sa kanyang kliyente.

“Arrangements were made for the same with the said hospital. However, due to recent exposes of Zaldy, St. Luke’s Global City has refused to accept as outpatient accused Datu Zaldy Ampatuan,” pahayag ni Villanueva.

Ayon sa pamunuan ng ospital, iniiwasan nilang magkaroon ng tensyon sa loob ng kanilang ospital dahil sa presensiya ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magbibigay ng seguridad kay Ampatuan, isa sa mga pangunahing suspek sa Maguindano Massacre.

Anila, baka makagulo ang pananatili ng mga security escort ni Ampatuan sa mga pasyante at mga bisita ng kanilang pasyente.

Para naman malunasan agad ang problema, iminungkahi ni BJMP chief Rodendo Dial sa  pamunuan ng naturang ospital na dalhan na lamang si Ampatuan ng mga kailangang hospital equipment tulad ng oxygen tank, nebulizer at iba pa, sa Quezon City Jail Annex.

Nauna rito, pinayagan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes na makapagpa-checkup si Ampatuan sa labas ng kanyang selda sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ibinase ni Reyes ang kanyang kautusan sa findings ni Chief Insp. Agnes Aglipay, hepe ng Health Service Unit ng BJMP-National Capital Region, na nagrekomendang si Zaldy ay magamot sa isang “hospital setting.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply