Zoren Legaspi malaking threat kay DJ Mo!

DAPAT ay maging regular na sa “Paparazzi” si Zoren Legaspi at right choice siya na pamalit kay DJ Mo pag-absent ito. Swabe lang siyang magtsismis ng mga balitang showbiz sa Paparazzi pero may pitik. Nakakaaliw siya. May chemistry pa sila ni Ruffa Gutierrez.

Sa kanya unang pumutok ang awayan nina Marian Rivera at Heart Evangelista na unang napanood sa Paparazzi.

Nu’ng Sunday ay binanggit naman niya ang awayan nina Jean Garcia at Cherrie Gil na umabot daw sa totoong sampalan. Na-insecure daw si Cherie Gil kay Jean dahil halos lahat daw ng mga staff ng “Time of My Life” ay paborito si Jean.

May tinanong pa raw si Cherie na isang tao kung sino ang mas gusto niya, siya o si Jean. Tapos ay Jean ang isinagot.

Ayon sa kampo ni Cherie, masyado raw maingay si Jean sa set. Say naman ng grupo ni Jean, nainggit lang si Cherie sa rami ng damit na ipinagamit kay Jean.

O, di ba kahit mga beterana may mga katsipan pa ring eksena, huh!

***

TANGGAP ni Alden Richards kung mas type daw ni Sam Pinto ang older men at paliwanag niya.

“Yung akin lang naman po kasi, yung infatuation ko kay Miss Sam parang school boy crush lang. Parang, kasi, di ba, FHM sexiest woman (siya) tapos pag nakilala ninyo po kasi si Sam Pinto… nung first time ko po siyang makatrabaho sa “Bubble Gang” mabait po, e, parang yung title niya na FHM’s sexiest woman hindi mo makikita sa kanya kasi very down-to-earth at humble siya.

“Tapos yung pakikisama niya po sa tao is okay po. Iyon po yung parang nagpa-wow sa akin kaya ko siya naging crush,” deklara niya.

Sad to say, wala pala siyang kopya ng FHM magazine ni Sam kung saan may sexy pictorial siya.

“Ay, wala po! Pero tumulong naman po ako dun sa pag-vote.”

Bakit hindi siya bumili at maging personal file niya?

“Kasi po yung lola ko po e, pag nakitaan po ako, sermon.”

“Pero, magpupuslit po ako, papapirmahan ko sa kanya. Hahahaha,”sey pa niya.

Kung may pagkakataon, liligawan ba niya si Sam?

“Po? Ah hindi ko po masasabi… siguro po, siguro,” tugon niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply