Zubiri pinagbibitiw sa Senado ni Pimentel

WALA nang puwang si Sen. Juan Miguel Zubiri sa Senado matapos mabulgar na nagkaroon ng malawakang dayaan sa Maguindanao noong 2007 senatorial election kung saan ito ang nakinabang, ayon kay Atty. Aquilino “Koko” Pimentel III.

“With the Ampatuan and Bedol confessions, the façade of the legitimacy of Migz Zubiri’s proclamation has totally collapsed,” ayon kay Pimentel, na siyang naungusan ng senador ng maliit na bilang ng boto sa nasabing halalan.

Dahil sa 194,000 boto mula sa Maguindanao ay nakaungos si Zubiri ng mahigit 18,000 boto kay Pimentel.

“Zubiri was proclaimed, among other reasons, by the Abalos Comelec, which fallaciously credited him with 194,000 or so manufactured votes in Maguindanao,” ayon kay Pimentel.

Kahit gumamit ng pekeng balota, ayon kay Pimentel, nagawa pang makaungos ni Zubiri ng 18,000 pekeng boto.

“Perforce, in logic and in law, in justice and in equity, with the recognition that cannot be refuted in any manner that 194,000 or so false ballots in Maguindanao were unlawfully used as basis to proclaim Migz Zubiri, his pretension to a seat in the Senate had been demolished,” paliwanag ni Pimentel.

“Zubiri has, therefore, no right whatsoever to cling to the contested seat in the Senate,” dagdag niya.

Maaalalang inamin nina dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan at dating election supervisor Lintang Bedol na nagkaroon ng dayaan sa Maguindanao.

Sa kanilang pahayag, sinabi nina Ampatuan at Bedol na inatasan umano sila ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na manipulahin ang resulta ng 2007 senatorial elections sa Maguindanao upang pumabor sa kandidato ng administrasyon.

Ibinulgar pa ng dating opisyal ni Arroyo, personal at direkta silang kasangkot sa paggamit ng pekeng balota na ginamit sa naganap na halalan sa lalawigan.

“Their disclosures, thus, cannot simply be ignored,” giit ni Pimentel.

Naiproklama si Zubiri noong 2007 sa ilalim ng pamunuan ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, na siyang pangunahing suspek sa maanomalyang NBN-ZTE broadband project scam.

Ikinatuwiran pa ni Pimentel na karapat-dapat nang magbitiw si Zubiri dahil nauna na nitong inihayag na iiwan ang puwesto sa Senado kung mapatutunayan na nandaya siya sa nakaraang halalan.

“Since it is now plainly incontroverrible that massive cheating in Maguindanao led to his unlawful proclamation as a senator, Migs Zubiri should now comply with his rhetoric and give back the contested Senate seat (to me),” ani Pimentel.

Kundi man magbibitiw, hiniling naman ni Pimentel sa Senate Electoral Tribunal at Supreme Court na madaliin ang resolusyon ng kasong nakasampa laban kay Zubiri upang mabigyan ng agarang katarungan ang kanyang pagkatalo.

“Time is of the essence unless decided soonest, the injustice to the people who voted for me and for the latter would become irreparable,” patapos ni Pimentel.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply