‘Asian Diva’ Dulce fulfilled sobra kay Lord at sa kanyang lovelife

MATAGAL na naming kahalubilo on and offstage ang Asian Diva na si Dulce in most of her performances, pero for the first time naglakas-loob kami na tanungin namin siya nang napaka-personal na questions tungkol sa kanyang buhay sa harap ng mga working press kamakailan lamang.

Pa-impress baga, that’s what questions are for anyway lalo na sa mga ganitong huntahan because we are what questions we asked.

Tanong: Ano ang naitulong if any sa career or sa craft mo as a singer ang pagiging Christian mo?

Sagot ni Dulce: Ay marami at ako ay nagpasalamat sobra kay Lord na I found the right way, the right path and the only path with my being a Christian now.

Tanong: How?

Sagot: Well, with Him there is such thing as total surrender. I trust everything in Him. Sa Kanya basta you surrender yourself and with repentance tatanggapin ka niya nang buong-buo. Walang kondisyones, etc.

Tanong: Ano ang relasyon nito sa enhancement factor ng boses mo kesa sa dati, if any?

Sagot: When you feel na wala ka nang kinatatakutan sa buhay dahil alam mong may nagmamahal at gumagabay sa iyo every step of the way you feel you are more than confident and secure to express to one and all whatever talent you have. Wala ka nang fear talaga and totally ma-express mo ang talent mo to the fullest extent as artist na walang kaba at wala nang kinatatakutan whatsoever. That is where your voice becomes doubly organic, beautiful and if I may say so, spiritually elevating to hear, ganun.

Tanong: Thank you, naintindihan na namin to the fullest extent. Isa pang tanong na ngayon ko lang talaga ma-o-open-up sa iyo ay ito. Ang asawa mong si Bernard Cruzata ay nakilala ko through much of your concerts dahil palagi mo siyang kasama and I know he is your business manager cum production assistant as in p.a. dahil siya talaga ang tutok sa iyo para mapapangalagaan ang lahat ng mga nitty-gritty sa soundstage sa mga live performances mo. Ano pa ba ang ibang role ni Bernard sa buhay mo?

Sagot: “Ayun, tulad nitong coming concert ko sa Museum. Siya ang nag-facilitate nito. Si Bernard ang nakakakita sa mga bagay na hindi ko most of the time nakikita na pwede ko pang magagawa. Siya ‘yong palaging nagsasabi sa akin na marami pang pwedeng gawin na hindi ko pa nagagawa. Siya ‘yung nagbibigay palagi sa akin ng challenge at sa career ko bilang singer. Siya yung nagbibigay sa akin ng ‘ika nga vision na always I have something challenging new things I have to look forward to as an artist. Para bang for him, it must be always that everyday is a new day for me and my career as singer. Otherwise, I will fall easily into the trap of being jaded as an artist.

At saka of course, he provides my daily dose ika nga of endorphins, yung inspirational factor alam mo na hahaha!

Sagot: Yes maraming salamat, alam ko na hahaha!

By the way, ang concert ng nag-iisang Asian Diva na pinamagatang La Dulce Diva ay gaganapin sa Music Museum on August 27 kasama ang kanyang idolo-mentor rolled into one na si Pilita Corrales at Jed Madela. Sa musical direction ng iconic na si Mel Villena from way back pa sa Roxas Blvd. days nila ni Dulce, etc. at sa direksyon naman ni Kokoy Jimenez.

Unang venture ito ng eventologist turned-producer na si Jo Arboleda at executive produced ni Gigi Moralde na siya rin ang writer. Hala tingnan nga natin kung may kakaibang ibubuga ang Asian Diva sa major-major concert niyang ito. From here kasi sabi ng produ na si Arboleda ang next stop would be in Guam, USA. Aloha to you all!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply