‘Big 3′ pinakakasuhan ng economic sabotage

IKAKASA ng mga militanteng grupo ng transportasyon na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) ang pagsasampa ng kasong economic sabotage sa mga kumpanya ng langis na nagmamanipula umano ng datus ng kinikita at ikinakasang rollback.

Sa opisyal na pahayag ng Piston, pinag-aaralan ng grupo na kasuhan ang mga kumpanya ng langis na hindi umano makatarungang magbawas ng presyo ng petrolyo.

Partikular na tinukoy ng grupo ang Big 3 oil cartel na binubuo ng Petron, Shell at Chevron (Caltex), na nakakakopo ng 78 porsiyento ng bentahan ng langis sa bansa.

Ayon sa pananaliksik, sinabi ni George San Mateo, secretary-general ng Piston, na umaaabot sa P8 sa diesel habang P9 naman sa gasolina ang overpricing ng mga kumpanya ng langis mula Enero 2008 hanggang Hulyo 2011 o P52 milyon ang sobrang kinikita nila kada araw.

Kung aanalisahin umano, halos barya-barya lang umano ang P1.50 at P1.30 na bawas ng mga kumpanya ng langis kahit pa buwan-buwan itong magbawas ng presyo sa mga pamilihan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply