‘Dakilang mangggamot’ ng Tanza, Cavite

IBAHIN muna natin ang tema ng ating topic sa espasyong ito. Akin pong ikukuwento sa inyo itong manggagamot na nakilala ko na si Ka Loloy  ng Block 7 Lot 3, Buensuceso Homes Brgy. Biwas, Tanza, Cavite.

Noong una, ayoko sanang maniwala na may taglay na galing sa paggagamot ng mga maysakit itong si Ka Loloy.
Ang alam ko lang kasi, ang ‘Panginoong Hesus’ lamang ang may kakayahan na makapaggamot ng mga maysakit.
Pero sa maniwala kayo o hindi, sa ginawang ‘patotoo’ sa akin ng isang Ginang na may sakit na 4th stage cervical cancer at halos tinanggihan at sinabihan na rin ng ospital ang kanyang pamilya na hindi na magtatagal ang kanyang buhay, nakumbinse ako.

Ayon sa ginang, sa kabila ng sinabi ng ospital, hindi  nawalan ng pag-asa ang kanyang mga kaanak. Kaya nang may nagrekomenda sa kanila tungkol sa mapaghimalang panggagamot ni Ka Loloy, dali-dali nila siyang dinala sa kanya.

Mahirap man paniwalaan, ang mapaghimalang  panggagamot ni Ka Loloy ay nasaksihan natin. Nakita natin kung paanong ginamot ni Ka Loloy ang kanyang mga pasyente.

Bata at matanda,malala o slight lang ang sakit ay isa-isa niyang ginagamot hindi lamang sa dasal kundi sa panghihilot sa buong katawan ng pasyenteng may sakit. Wala siyang pinipiling pasyente.

Ang mahalaga sa kanya ay magamot niya ang lahat ng mga may sakit na naniniwala sa kanya.

Kung hindi ninyo naitatanong,  isa po ako at ang aking pamilya sa mga ginamot ni Ka Loloy.

Hinilot niya ang buong katawan ko habang sinasabi niya kung ano yung nakikita niyang sakit sa loob ng aking katawan.

Aba’y laking gulat ko dahil tama ang lahat ng kanyang sinabi.

Dahil kailan lamang ako pina-laboratory test ng aking doctor at kung ano ‘yung result ng lab test ko,  yun din ang findings ni Ka Loloy.


1 Response for “‘Dakilang mangggamot’ ng Tanza, Cavite”

  1. Angel says:

    paano po pumunta dun from manila?

Leave a Reply

*
ANO BA YAN STD IKAW LAMANG ALBUM SOLD OUT NA AGAD?...
NYAHAHAHAHAHA SUNDAY ALL STARLETS MAG REFORMAT HAH...
NYAHAHA STD GRABE ONE MILLION PCS PALA ANG NABENTA...
NYAHAHAHAHA GANYAN NAMAN DYAN SA KAMUNING MGA TALE...
NYAHAHAHA 3.6 MILLION INDIVIDUAL NA ANG NATULONGAN...
mas mabantot si kristd sa mga stars ng dos . di ba...
tama kayo mabaho para kay kristd ang mga stars ng ...
NYAHAHA STD DAHIL SA MGA STARS NG DOS ANG NET INCO...
TAMA KA GURANG MASARAP PAG USAPAN KUNG SINO ANG NU...
HAHAHA TAMA KA TROY PURITA ANG MGA STARLETS SA KAM...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.