‘For sale’ nga ba ang TRO sa CA?

KLARO sa ipinakikitang kilos ni Pangulong Noynoy Aquino na determinado itong burahin ang katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno.

Hiling natin kay PNoy, silipin ang umuugong na tsismis na ‘for sale’ ang Temporary Restraining Order sa Court of Appeals.

Hindi isa, kundi napakarami nang reklamo tungkol sa napakabilis at kuwestiyonableng pagpapalabas o pag-iisyu ng CA ng TROs.

Kailangan sigurong isama na ng Aquino administration ang CA sa listahan ng mga ahensya na kanilang iimbestigahan sa katiwalian.

Ang management ng Steel Corporation of the Philippines ay isa lang sa marami nang umiiyak sa nakababahalang sistemang ito sa CA.

Napakabilis ang pagpapalabas ng CA ng TRO na hiningi ng limang insurance para ‘di bayaran ang hinihinging danyos ng SCP.

Una nang iniutos ng Batan-gas City – RTC ang pagbabayad ng danyos sa SCP na may-ari ng nasunog na pabrika ng bakal sa Balayan, Batangas noong nakaraang taon.

Sa naging desisyon ni Judge Ruben Galvez ng Branch 3 ng Ba-tangas RTC noong Hunyo 1, 2011, iniutos nito ang pagbabayad ng US$41 million sa SCP sa limang insurance companies na kinabibilangan ng Mapfre Insular Insurance Corp., New India Assurance Co. Ltd., Philippine Charter Insurance Corp., Malayan Insurance Co. Inc., at Asia Insurance Phil. Corp.

Pero sa halip na magbayad ay nagmatigas ang insurance companies at mas ginusto na gumastos sa mga abogado para makakuha ng TRO sa CA.

Ang TRO na matulin na nailabas sa loob lang ng tatlong araw ay sinulat ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier at kinatigan nina Associate Justices Estela Perlas-Bernabe at Sisenando Villon, Jr.

Ayon sa SCP lawyers, makikita sa mga pangyayari na napakatulin ng paglalabas ng TRO ng CA na parang napakaimposible dahil sa kapal ng annexes sa inihaing petition for TRO.

Nagtataka rin ang mga abogado ng SCP kung bakit walang takdang panahon na inilagay sa TRO na mistulang injunction order at lalong nagpapalakas sa kanilang hinala na may nangyayaring hokus-pokus sa CA.

Anila, labag ito sa A.M. No. 07-7-12 na inilabas ng Korte Suprema na nagtatakda na bago maglabas ng TRO ang mga hukuman ay kailangang mabigyan ng notice ang mga partido at kailangang magkaroon ng summary hearing hinggil dito.

Kahina-hinala rin kung bakit sa kabila ng laki ng danyos na sangkot sa usapin ay P500,000 lang ang hininging bond ng Special Fifth Division gayong US$41M ang danyos na iniutos ng Batangas RTC na ibabayad ng mga insurance firms sa SCP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply