‘Mina’ lalabas na ng bansa ngayong gabi

INAASAHANG lalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi, Agosto 29, ang Bagyong Mina.

Sa panayam ng dzMM kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Officer-in-Charge Graciano Yumul, mabagal pa ring kumikilos sa siyam na kilometro bawat oras pa-Hilagang Kanluran ang bagyo patungong Taiwan.

Huli itong namataan sa 160 kilometro Hilaga Hilagang-Kanluran ng Basco, Batanes.

Binanggit naman ni Yumul na patuloy pa ring hinihigop ng Bagyong Mina ang hanging Habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan.
Hindi na aniya sinlakas at sindami ng ulang ibinuhos kahapon ang mararanasan ngayong maghapon.

Magiging maganda naman ang panahon sa darating na Miyerkules.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply