‘Mina’ lumabas na ng bansa: 22 patay, 21 sugatan

LUMABAS na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Mina ngunit nag-iwan ng 22 patay sa iba’t ibang lugar habang walo pa ang nawawala at 21 ang nasugatan.

Sa inilabas na weather bulletin ng Pagasa, ang bagyo ay nasa layong 380 kilometro hilagang kanluran ng Basco, Batanes. Bagama’t tinanggal na ang lahat ng public storm signal, malakas pa rin ang mararanasang hangin na umaabot sa 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 120 kilometers per hour (kph).

Kumikilos ito sa direksiyong pahilagang kanluran sa bilis na pitong kilometro kada oras.

Tinatayang ang bagyo ay nasa layong 370 kilometers west of Taipei, Taiwan sa Martes ng gabi.

Samantala, ayon sa ulat ni Usec. Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa nabiktima ng Mina ay mula sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) habang walang naitalang casualty sa lugar na mismong tinamaan ng mata ng bagyo partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Samantala, umabot naman sa mahigit P1 bilyon ang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga ari-arian.

Umakyat naman sa 156,280 na katao ang naapektuhan ng kalamidad kung saan nasa mahigit 90,000 ang nasa loob pa rin ng mga evacuation centers mula sa 14 na lalawigan ng Regions 1, 2, 3, 5, 6 at CAR.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply