1 na patay sa pagsabog sa Cotabato City

ISA na ang patay habang apat  ang sugatan sa pagsabog sa Cotabato City, kaninang alas-dos.Ayon kay Region 12 police director, Chief Supt. Benjardi Mantele, naganap ang pagsabog sa harapan ng CWAT gun store sa Parang Road, Quezon Avenue. 

Sa inisyal na pagsisiyasat,  inilagay ang pampasabog sa ipinaradang motorsiklo at dinetonate ng isang cellphone.

Isinugod sa pagamutan ang lima katao subalit isa sa mga ito ay idineklarang dead on arrival.

Kinilala ang namatay na si Gemana Ali,  alyas Jimmy,  50, isang photographer habang ang mga sugatan ay sina Nancy Lagamon, Datu Ike Karudin, Delio Tumandag at Cherry Danosniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply