1 natusta sa tension wire ng Meralco

PATAY ang isa habang nasugatan ang dalawa matapos na makuryente sa isang high tension wire ng Meralco sa kanilang pinagtatrabahuhan sa Quezon City Lunes ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Lito Nolasco.

Isinugod naman sa Quirino Medical Center ang dalawang nasugatan na sina Loreto Alcantara,42, ng No. 827 Mendoza St. Barangay Lolomboy Bulacan at Arche Alberto, 17, residente ng Purok Maligaya 11 Brgy. Mambugan Antipolo City.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit naganap ang insidente dakong 4:45 ng hapon sa No. 27 B. Starline Road Corner Twin Park Brgy. Ridge B. Q,C.

Base sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay nagtatrabaho sa bahay ng isang abogado. Nakatungtong ang mga biktima sa isang metal scaffolding na nagsisilbing hagdan nang biglang mawalan ng balanse at bumagsak kasama ang mga biktima.

Pagkabagsak ay nakuryente pa ang mga ito na naging dahilan ng pagkamatay ng isa at pagkakasugat ng dalawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply