1 patay, 20 sugatan sa salpukan ng truck, water tanker

NALAGUTAN ng hininga kaninang umaga, Agosto 20, ang isang lalaki habang may 20 iba pa ang malubhang nasugatan, ilan dito ang nasa kritikal na kondisyon, matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang truck sa isang water tanker ng Leyte Metropolitan Water District (LMWD) sa Abucay, Tacloban City.

Sa report na ipnaratingsa PNP Command Operation Center naganap ang sakuna bandang alas-9:30 Biyernes ng gabi, Agosto 19, ng bumangga ang truck  na may plate number YAS 376 na minamaneho ng isang Romell Araza sa isang water tanker na minamaneho naman ni Brian Dave Rep na may plakang SGM 634.

Sinasabing ilan sa mga biktima ang naputol ang paa  sa lakas ng impact.

Nabatid sa ulat na ganap na alas-3:00 ng umaga kanina ay nalagutan ng hininga sa Eastern Visayas Regional Medical Center ang isa sa mga biktima na kinilalang si Richard Tolibas, residente ng Pastrana, Leyte.

Patuloy naman inoobserbahan ang dalawa sa biktima na sinasabing nasa kritikal na kondisyon na sina Ben Lloyd, 27, ng Tunga, Leyete, at isang nagngangalang Marlon, 22, residente ng Julita, Leyte.

Napag-alaman na umaabot sa 40 katao ang sakay ng mini-truck na pawing mga trahabador sa isang food chain sa siyudad ng Tacloban ng maganap ang sakuna.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente habang pansamantalang nakapiit na ngayon ang driver ng water tank. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply