1 patay sa nagsalpukang motor sa Taguig

BUMULUSOK sa konkretong kalsada ang tumilapong katawan ng dalawang hinihinalang thrill riders matapos na magsalpukan ang sasakyan ng mga ito sa harap ng Diamond Star building sa kahabaan ng DVP Road, FTI Complex, Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Bago naganap ang sakuna, inilarawan ni Traffic Enforcer PO3 Jerry R. Ricablanca na naisipan umanong magpasiklaban sa pagharurot ng motorsiklo ang dalawang riders na nakilalang sina Bratt D. Cometa, 18, nakatira sa J2 9th Rodriguez St., Zone 6, Brgy. South Signal Village, Taguig City at isang nagngangalang Jhainner E. Asi habang binabagtas ng mga ito ang nabanggit na lugar.

Tinangka din aniya ng dalawa na mag-unahan sa makitid na awang ng bangketa upang makaiwas sa hump ng lansangan, subalit nauwi iyon sa isang malagim na trahedya ng sumadsad ang Honda na may plakang OO7954 ni Asi sa Yamaha na may plakang VA3466 ni Cometa.

Dahil sa matinding impact, kapwa sumirko sa ere at lumagabog sa sementadong lansangan ang katawan nina Asi at Cometa kung saan ay napuruhan ang huli dahil sa kawalan nito ng protective gear.

Binawian ng buhay si Cometa dahil sa tinamo nitong pinsala sa katawan pagkaraang isugod ng mga Barangay Security Force ang mga biktima ng sakuna sa Taguig-Pateros District Hospital. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply