10 GRO na na-recue sa GenSan may STD

NAGBABALA sa publiko ang City Health Office (CHO) kaugnay sa pagkalat ng sexually transmitted disease (STD).

Ang babala ay ipinarating ng City Health Office dahil 10 sa 42 mga guest relation officers (GRO) na na-rescue sa mga videoke bars sa Barangay Calumpang ng lungsod ng General Santos ay mayroong STD.

Sa rescue operation na isinagawa ng barangay at ibang ahensya ng GenSan, siyam ang menor de edad na nasa pagitan ng 13 hanggang 15.

Ang mga GRO ay napag-alaman na may hawak na pink card para makapagtrabaho subalit napag-alaman na karamihan sa videoke bar ay walang business permit.

Ang STD ay nakukuha sa pamamagitang ng pakikipagtalik sa isang babae o lalaki na may taglay na venereal disease (VD).  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply