10 na patay, 6 missing sa hambalos ni ‘Mina’

UPDATE: NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga namamatay dahil sa bagyong Mina habang nasa anim pa rin ang nawawala.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 10 na ang bilang ng mga namatay, mahigit 20 naman ang sugatan, at anim pa rin ang missing dahil sa pananalasa ng bagyo.

Kaninang umaga nang marekober ang bangkay ng apat na taong gulang na batang si Ruel Soria, mula sa bayan ng San Marcelino sa Zambales na namatay matapos malunod.

Habang nito lamang hapon ay natagpuan ang bangkay ng isang si Andres Calaro, 84, residente ng Binaratan, Sarrat, Ilocos Norte, na umano’y nalunod.

Panibagong biktima ng hagupit ng bagyong Mina ay mga residente ng Quezon City.

Kahapon naiulat na namatay ay ang magkapatid na sina Reajen Bautista at John Rey Bautista ng Barangay Rabon, San Fabian, Pangasinan.

Nabaon sa putik ang dalawa matapos maganap ang landslides.

Mayroon ding apat na namatay dahil sa nangyaring landslide sa Baguio City.

Nasa 12 barangay naman ang nagkaroon ng landslide habang lubog sa tubig baha ang mga pananim sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Sa panayam kay Exelcis Razote de Leon ng NDRRMC sa bayan ng Peñablanca, sinabi nitong gumuho ang mga lupa mula sa bundok kung saan natabunan ang mga daan sa 12 barangay sa kanilang lugar.

Ayon kay Razote, kabilang sa mga apektadong barangay na nagkaroon ng landslide ay ang Brgy. Buyun, Manga, Minangan, Nabbabalayan, Agugaddan, Callao, Mal ibaba, San Roque, Cabbo at Cabasan Bical.

Umaabot naman sa 3,862 pamilya o katumbas ng 19,558 katao ang naapektuhan ng nasabing kalamidad.

Kaugnay nito, walang naiulat na nasugatan o namatay sa nasabing landslide.

Umaabot naman sa 5,000 ektarya ng palayan at maisan ang partially damaged dahil sa walang tigil na buhos ng ulan.

Sa ngayon, hindi madaanan ng sasakyan ang lugar na pinangyarihan ng landslide.

Inaalam naman ng provincial government ng Iloilo ang lawak ng lugar na apektado ng landslide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply