10 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog

MAY sampung pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang sunog sa San Andres, Maynila Huwebes ng tanghali.

Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, umabot sa ikatlong alarma ang naturang sunog na nagsimula ilang minuto bago mag-ala-una ng tanghali sa Barangay 704 Zone 77 sa nasabing lungsod.

Pawang mga yari umano sa light materials ang mga natupok na kabahayan na naging dahilan nang madaling pagkalat ng apoy.

Dakong ala-1:29 na ng tanghali nang ideklara ng anhesya na fire out ang sunog.

Ayon sa BFP, “electrical overload” ang sanhi ng naganap na sunog.

Patuloy naman sa isinasagawang imbestigasyon ang BFP sa naganap na sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply