10 patay sa dengue sa Valenzuela

SAMPU na ang nasasawi habang 600 na ang naitalang nadale ng dengue sa Valenzuela City mula Enero hanggang Hulyo.

Ayon sa panayam sa dzMM kay Ana May Yap, Public Information Oficer (PIO) ng Valenzuela City government, tumaas ng mahigt 300 porsyento ang kaso ng dengue sa lungsod ngayong taon kumpara sa 202 kaso mula Enero hanggang Hulyo noong nakaraang 2009.

Bagama’t tumaas ang bilang ng mga nagka-dengue, sinabi ni Yap na hindi pa naman kailangang magdeklara ng dengue outbreak sa Valenzuela.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply