100 nasunugan ng bahay sa Kyusi

TINATAYANG 100 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang masunog ang isang residential area sa Quezon City, madaling-arw ng Linggo, Agosto 7.

Ayon sa report ng dzBB, nagsimula ang sunog bandang 3:33 a.m. na umabot ng ikaapat na alarma at idineklarang under control bandang 4:36 a.m. sa Katuparan st., Commonwealth.

Wala namang napaulat na nasugatan habang dinala ang mga apektadong residente sa covered court ng barangay.

Kasalukuyan namang inaalam pa ang sanhi ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply