11-anyos anak, minanyak ng amain sa Cavite

SIRA ang kinabukasan ng 11-anyos na babae makaraang lurayin ng kanyang amain sa Gen Trias Cavite.

Kinilala ni PSupt. Gregorio Evangelista ang biktima na itinago sa pangalang Lineth, ng Marycris Complex, Brgy Pascam 2, nasabing bayan,

Agad namang naaresto ang suspek na si Roberto Pormon Siatong, alyas Toto, tubong Ilo-ilo, construction worker at amain ng biktima, kasalukuyan nasa Cavite Provincial Jail.

Sa imbestigasyon, nagsimula ang pang-aabuso sa biktima ng suspek noong July 31, taong kasalukuyan dakong 11:00 ng umaga nang umalis ang ina ng bata para magsimba.

Nilapitan umano siya ng stepfather at inabutan ng 20 pesos bago ipinasok sa kuwarto at dito isinagawa ang kahalayan sa bata.

Matapos nito ay binantaan niya ang anak na huwag magsusumbong kahit kanino lalo na sa kanyang ina dahil sa gugulpihin umano siya nito.

Ayon pa sa bata, dalawang beses na umanong ginawa ng kanyang kinilalang ama ang pambababoy dito, ikalawa noong Agosto 7 nang muli siyang iwan ng ina sa suspek.

Sa takot na muling ulitin ng amain ang panghahalay sa kanya ay lakas loob na nagsumbong na ang bata sa kanilang kapitbahay kung kaya nahuli ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply