11-anyos ginahasa ng Manila City Hall employee

PINIPIGIL ngayon, Agosto 26, sa tanggapan ng Manila Police District-Women’s and Children Concern Division (MPD-WCCD) ang isang 35-anyos empleyado ng Manila City Hall matapos ireklamo ng isang 11-anyos na dalagita dahil sa panggagahasa sa kanya sa loob ng isang taon sa bahay ng kanyang tiyahin sa Tondo, Maynila.

Nabatid kay Jay dela Fuente, hepe ng Manila Social Welfare Department (MSWD), nagtungo umano sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang biktima at humingi ng tulong.

Sa salaysay ng biktima nagsimula umanong ang kalbaryo ng biktima noong siya ay 10-anyos pa lamang sa suspek na si Boyet Valencia, nakatalaga sa Parks and Bureau ng MCH at residente ng 2107 Fernandez II st. Tondo, Maynila na ka-live in ng tiyahin ng biktima.

Huli umanong pinagsamantalahan ng suspek ang biktima noong Agosto  19 sa loob ng bahay ng kanyang tiyahin habang wala ito at nasa trabaho.

Nadiskubre lamang ang panggagahasa sa biktima ng tumawag ang ka-live in ng suspek sa nanay ng biktima na si Luna dahil sa kakaiba umanong ikinikilos ng kanyang anak dahilan para pumunta sa bahay ang ina ng biktima.

Nang komprontahin, inamin ng biktima sa kanyang nanay na pinagsamantalahan siya ng suspek dahilan para ipasuri sa Jose Reyes Memorial Hospital na tumanggi namang suriin ang biktima at sa halip ay inatasan na magreklamo sa Manila Police District-Women’s and Children Concerned Division (MPD-WCCD) na siya namang nag-refer sa biktima para magpasuri sa Philippine General Hospital (PGH).

Kasunod noon ay humingi ng tulong ang magulang ng biktima sa barangay at naaresto ang suspek pero pinalaya namanito at pinayuhan ang magulang ng biktima na maghain muna ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office (MPO) dahil  hindi na umano nila puwedeng ikulong ang suspek sanhi ng may isang linggo na ang nakakalipas matapos ang huling panggagahasa sa biktima.

Nang makalaya, pinagbantaan naman ng suspek ang biktima at ipinagmalaki pa nito ang umano’y koneksiyon niya sa city hall.

Nang malaman ni dela Fuente ang testimonya ng biktima, kaagad itong nakipag coordinate kay P/Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-homicide section, kasama si S/Insp.Renato Solis, SPO4 Elmer Manalang, PO3 Raul Rubin Bautista at SPO4 Emmanuel Lopez ay nagtungo ang grupo sa resdiente ng suspek at inimbitahan para sa interogasyon.

Positibo namang kinilala ng biktima ang suspek na siyang gumahasa sa kanya sa  sa ginanap na komprontasyon. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply