11-anyos ginahasa, pinatay sa Quezon

MATAPOS gahasain ay pinatay pa ang 11-anyos na babae ng hindi pa nakikilalang suspek bago itinapon sa sapa sa Quezon, iniulat nitong Martes.

Ayon sa report na ipinarating sa camp Crame, alas 5:00 ng hapon nang manghilakbot ang mga residente ng Barangay Mainit Norte, Perez Municipality ng nabanggit na lalawigan nang tumambad ang bangkay ng nakahubong batang babae.

Sa pagsisiyasat ng Perez PNP , itinago sa pangalang Amor ang biktima, Grade 5 student at residente rin ng nasabing bayan.

Nabatid na nakitang nakahandusay sa gitna ng sapa  ang bangaky ng bata na naka-t-shirt subalit walang short at panty.

Nabatid pa na na may mga saksak din ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan bukod pa sa pamamaga ng kanang mukha nito na palatandaang pinalo ng matigas na bagay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply