12 NPA, utas sa bakbakan sa Agusan del Sur

UMAABOT sa 12 miyembro ng New People’s Army ang namatay habang nasa 20 pa ang sugatan sa dalawang oras na bakbakan sa bayan ng Loreto, sa Agusan del Sur.

Ayon kay 4th Infantry Division Spokesman, Major Eugenio Julio Osias IV, nakasagupa ng tropa ng 26th Infantry Battalion ang may 100 hanggang 150 rebelde sa hangganan ng Barangay Kauswagan at Barangay Sto. Nino.

Sinabi ni Osias na dahil sa dami ng mga rebelde, gumamit ng MG520 attack helicopter ang air force bilang suporta sa ground forces ng army.

Inaalam pa ng militar kung ang grupo ng mga rebelde ang responsable na pag-atake sa himpilan ng pulisya sa Trento, Agusan del Sur.

Isang CAFGU member din ang napaslang sa bakbakan na kinilalang si Ricky Lantong  habang wala namang nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply