12 pampasabog nasamsam ng Army sa NPA

MAHIGIT sa 12 pampasabog ang nasamsam ng Philippine Army mula sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Aroroy, Masbate kamakalawa.

Ayon kay Radyo Naga ni Maj. Angelo Guzman, tagapagsalita ng 9th Infantry Division, agad nagsagawa ng combat operation ang mga sundalo ng 9th Infantry Battalion sa Brgy. Syndicate ng naturang bayan.

Ito ay matapos silang makatanggap ng impormasyon galing sa mga residente tungkol sa sinasabing kuta ng mga rebelde.

Gayunman, nagawang makatakas ng mga NPA bago pa man makarating sa lugar ang mga sundalo.

Maliban sa mga pampapasabog na naiwan ng rebeldeng grupo, natagpuan din ang dalawang pirasong electrical switch at tinatayang 100 metrong electrical wire na ginagamit sa pagpapasabog.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Philippine Army ang mga nakumpiskang kagamitan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply