12 patay, 59 sugatan sa pagsama sa libing

PATAY ang 12 katao habang 59 ang nasugatan nang tumaob ang sinasakyang dump truck na naghahatid sa isang patay sa sementeryo Huwebes ng hapon, Agosto 18, sa Balao, Barili Cebu City.

Walong pasahero ang namatay agad sa pinangyarihan ng aksidente at apat ang binawian ng buhay sa ospital.

Nabatid sa ulat na sakay ng dump truck na pag-aari ng munisipyo ng Barili ang mahigit sa 70 katao karamihan dito ay mga magsasaka, kasama ang ataul para ihatid ang bangkay sa Poblacion dakong alas-3:00 ng hapon

Ang mga makikipaglibing ay mula  sa bulubundukin ng barangay Kangdampas at may 14 kilometro ang layo sa Poblacion. Ang bangkay na ililibing ay nakilalang si Tranquelina Jagbil, 69.

Ayon sa pahayg ng driver na si Alwin Bayno, palusong ang dump truck nang aksidenteng sumabog ang gulong at nawalan umano siya ng kontrol sa sasakyan.

Ang truck ay dumausdos paibaba kaya ang ibang pasahero ay nagtalunan palabas ng sasakyan at nagkasugat-sugat ang katawan bago nagpabali-baliktad ang truck na nagresulta sa pagkakaipit sa ilalim ng mga pasahero.

Ang mga malubhang sugatan ay dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City para malapatan ng lunas.

Napag-alaman na ang tumob na truck ay ang ikalawang sasakyan na hiniram ng mga residente sa munisipyo para ihatid ang mga labi ni Jagbili sa kanyang huling hantungan.

Ang unang track ay tumirik dahil nag-overheat. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply