12 patay, 9 nawawala dahil kay ‘Mina’

LALO pang lumobo ang bilang ng mga namatay at nawawal dahil sa hagupit ng bagyong Mina sa bansa.

Batay sa kasalukuyang ulat ni Usec. Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 12 ang bilang ng mga namatay matapos maidagdag sa talaan ang dalawang namatay sa naganap na landslides sa Benguet.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nawawala at ngayon ay umabot na sa siyam habang nanatiling 21 ang nasugatan.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa Region 1 at Cordillera Administrative Region (CAR) habang walang naitalang casualty sa lugar na mismong tinamaan ng mata ng bagyo lalo na sa lalawigan ng Cagayan.

Samantala, umabot naman sa mahigit P995 milyon ang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga ari-arian.

Batay sa inisyal na monitoring ng pamahalaang panlalawigan, umabot na sa 45,140.50 metric tons na katumbas ng P579, 653, 250 ang nasira sa mga pananim na palay habang sa mais ay 26, 552.39 metric tons na may halagang P298,539,179 samantalang sa high value commercial crops ay 1,200 metric tons na nagkakahalaga ng P2,400,000 at sa palaisdaan ay 12.97 hectares na mayroong halagang P1,385,450.

Umakyat naman sa 156,280 na katao ang naapektuhan ng kalamidad at nasa mahigit 90,000 ang nasa loob pa rin ng mga evacuation centers mula sa 14 na lalawigan ng Regions 1, 2, 3, 5, 6 at CAR.

Habang 11 tulay at 33 lansangan ang nanatiling sarado sa mga motorist sa Region 1, 2 at CAR dahil sa landslides at baha, bagamat patuloy ang clearing operations ng DPWH.

Patuloy din ang babala ng pamunuan ng NDRRMC na maging laging handa laban sa kalamidad upang maiwasan ang matinding epekto nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply