12 Pinoy workers mula Syria dumating na

DUMATING na kanina lamang ang panibong batch ng overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Syria.

Nasa 12 OFWs ang dumating kung saan karamihan sa mga ito ay mga walang dokumento nang pumasok sa naturang bansa.

Ito na ang pinakabagong batch ng OFWs na dumating sa Pilipinas simula ng itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 3 ang babala sa Syria bunsod ng umiiral na tensyon pulitikal doon.

Agad na dinala sa tanggapan ng OWWA ang mga OFWs upang alamin kung anong tulong ang maaaring ibibigay ng pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply