13-anyos na dalagita dinaliri ng sariling tatay

DAHIL sa pandadarili, isang  tatay ang swak sa kulungan matapos ireklamo ng kanyang sariling anak sa Navotas City.

Nakapiit na sa detention cell ng Navotas police at nahaharap sa kasong Rape in Relation to RA 7610 sa tanggapan ng Malabon-Navotas Prosecutor’s Office ang suspek na si Rolando Arconado, 43, ng Northbay Boulevard South (NBBS), nasabing lungsod.

Sinamahan naman ng kanyang ina ang biktimang si Rosa sa Women and Children Protection Desk ( WCPD) Navotas police upang pormal na magsampa ng kaso laban sa kanyang asawa.

Sa ulat na nakarating kay P03 Arlene Alvero, hepe ng WCPD-Navotas police, alas 3:00 ng madaling-araw kanina nang pagsamantalahan ng suspek ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Ayon kay Rosa, himbing siyang natutulog sa kanilang silid nang makaramdam ng kirot sa kanyang ari.

“Nagising po ako, pagdilat ng aking mata ay nakita ko si Papa (suspek) at tinakpan niya ang bibig ko wag raw po akong maingay at ipinasok niya ang kanyang daliri sa ari ko,” ani pa ng biktima.

At nang makaraos ang suspek ay parang walang nangyaring iniwan nito ang anak sa silid.

Hindi naman natakot ang biktima sa ama na agad nagsumbong sa kanyang ina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply