13 elementary pupils nalason sa tuba-tuba

NILALAPATAN ng lunas ang 13 grade 4 pupils makaraang malason sa kinaing tuba-tuba sa Himamallan City, Negros Occidental.

Ang walo sa mga biktima ang naka-confine pa rin sa ospital at patuloy na inoobserbahan.

Humingi ng tulong ang school principal para kaagad maisugod sa ospital ang iba pang estudyanteng nahilo, sumakit ang tiyan, dumumi at sumuka.

Ang mga biktima ay sinasabing nakikain sa baon ng kanilang kaklase na buto ng tuba-tuba na katulad umano ng lasa ng mani.

Ang tuba ay isang uri ng palumpong na napagkukunan ng mga buto ng Croton na nagiging langis na may katangiang pang-medisina o panlason ng mga isda. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply