13 pang bills ni PNoy nakasubo na sa LEDAC

ANG laging iniisip ng mga kritiko ni Pangulong Noynoy Aquino ay panay lamang ang habol nito sa nakaraang rehimen ni da-ting Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo. Pero ang totoo isang bahagi lamang ito sa pagsisikap ni PNoy na mapaunlad ang bansa.

Katunayan naghain na si PNoy ng 13 karagdagang panukalang batas sa mga miyembro ng Legislative Executive Development Advisory Council para isama sa agenda ng administrasyon ngayong taon. Ayon kay Executive Sec. Jojo Ochoa ang mga naturang panukalang batas na minamahalaga ni PNoy ay sinala at pinino ng Cabinet Clusters. Anim dito ay nauna nang inihayag ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong ika-25 ng Hulyo.

Tugma ang mga bagong panukalang batas sa direksyon ng Philippine Development Plan para makamit ng admin ni PNoy ang 16 point agenda o ‘yung kanyang Social Contract with the Filipino People. Kasabay nito inilatag din ng administrasyon sa Kongreso ang panukalang pondo para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P1.816 Trillion at pati na rin ang PDP para makuha ang kanilang suporta na maipasa ito sa takdang panahon.

Kabilang sa 13 panukalang batas ang pagbibigay ng nararapat na proteksyon sa mga kasambahay, pagpapalawig ng science and technology scholarship programs, pag-amyenda sa  Rural Electrification Law, sin tax, pag-amyenda sa Human Security Act and Data Privacy Act at ang Responsible Parent-hood (RH) Bill.

Kabilang din sa mga panukalang minamahalaga ni PNoy ang pagpapalawig sa proteksyon ng mamimili, reorganisasyon ng Philippine Statiscal System, pag-amyenda sa PTV-4 law, probis-yon para sa delineation of the specific forest limits of public domain pagpapataw ng mabigat na parusa sa sinomang magnanakaw at gagalaw sa government risk reduction ang preparednes equipment.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply