13M ektarya teritoryo igagawad sa Pilipinas

POSIBLENG igawad ng United Nations (UN) ang 13 milyong ektaryang karagdagang teritoryo sa Pilipinas sa 2012, ayon Department of Environment and Natural Resources (DENR) ngayon (Martes, Agosto 16).

Ang nasabing teritoryo ay may mga depositong mineral at gas, paglalahad ng DENR sa Senate finance committee kung saan dinidinig ang panukalang budget ng DENR para sa 2012.

Sinabi ni Environment Secretary Ramon J.P. Paje na maaaring ipaubaya na ng UN sa Pilipinas ang matagal nang inaangkin ng Pilipinas na Benham Rise, ang 13-milyong ektaryang undersea region na nasa silangan ng bansa at malapit sa lalawigan ng Aurora.

“They (UN) intend to pass the resolution sometime in the middle of 2012 giving us this claim, approving this claim as part of the Philippine continental shelf,” anang kalihim.

Kinukuha umano ng Pilipinas ang karapatan sa Benham Rise sapagkat ito ay nakapaloob sa 200 nautical miles nito.

Ang nasabing plateau ay mas malaki pa umano sa pinagsama-samang lupain ng Luzon, Samar at Leyte.

“We have to go through the process pero walang conflict,” dagdag pa ni Paje.

Mahalaga umano na makuha ng Pilipinas ang naturang teritoryo dahil nakatagpo sila ng mineral at gas deposits dito.

“It contains solid methane. This is very important to us,” anang kalihim na nagsabing maaaring mayoil deposits din sa lugar.

Idinagdag pa ng kalihim na sa tulong ng exploration sa lugar, malaki ang posibilidad na mag-export na ng gas ang bansa sa hinaharap.

“We have been saying this in the past, this country can provide for its own energy source,” pahayag pa ni Paje.

Nabatid mula sa DENR chief na sa kasalukuyan, nasa 30 milyong ektarya ang terrestrial territory ng bansa at 240 milyong ektarya naman ang maritime territory nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply