14-anyos binatilyo nabaril ang sarili, utas

PALAISIPAN sa Pangasinan PNP homicide unit ang pagkamatay ng 14-anyos na binatilyo na sinasabing aksidenteng nabaril ang sarili habang nakikipanood ng tv sa loob ng tahanan ng kanilang kapitbahay sa Bayambang, Pangasinan.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang namatay na si Ricky Camorongan, ng barangay Hermosa, nabanggit na bayan.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga homicide probers, nakikipanood ng telebisyon ang biktima sa kapitbahay na si Paos de Vera nang bigla na lamang nakarinig ng putok ng baril sa loob ng bahay.

Dito ay natagpuan na nakahandusay sa sala ang duguang biktima na may tama ng bala sa kanyang noo.

Tinangkang iligats pa ang binatilyo subalit idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre 38 baril na may dalawang bala at isa pang basyo.

Patuloy na inaalam naman ng pulisya kung paano nabaril ng biktima ang kanyang sarili upang tukuyin kung ito ba ay isang suicide o may foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply