15-araw na ensayo ng Smart-Gilas Nationals

MAY dalawang linggo pang ensayo ang Smart Gilas Phl bago sumabak sa FIBA Asia Championship na gaganapin sa Setyembre 15 hanggang 25 sa Wuhan, China.

Ang kumpletong line-up ay pangungunahan ni naturalized player Marcus Douthit, skipper Chris Tiu, JV Casio, Chris Lutz at Marcio Lassiter at Japeth Aguilar.

Samantala ang tatlong manlalaro na huhugutin sa Philippine Basketball Association Governor’s Cup na Talk N’ Text franchise na sina Ranidel de Ocampo, Kelly Williams at Jimmy Alapag ay inaasahang makakasama ng orihinal na miyembro ng team sa Agosto 29.

Sa isang banda, si Dondon Hontiveros ay nagpahayag na pansamantalang hindi makalalaro sa Nationals dahil mag-uukol sya ng panahon sa bagong team na Shopinas na hahalili sa Barako Bulls sa muling pagsabak sa susunod na 37th PBA season sa kahilingan na rin ng kanilang head mentor na si Franz Pumaren.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply