15 bahay nabaon sa landslide: 1 nasawi, 1 nawawala sa Sultan Kudarat

NABAON ang may 15 tahanan habang 13 pamilya ang nagsilikas at may isang naitalang nasawi makaraang magkaroon ng landslide sa Purok 10, Barangay Kinayao, Bagumbayan, Sultan Kudarat kahapon, Agosto 12.

Nabatid na nasawi si Teresita Albanses habang missing naman ang anak nito na si KC Albanses at isa pang Kristine Olivar at dalawa rin ang napaulat na sugatan sa nasabing pangyayari.

Dahil dito, pansamantalang nakahimpil ang mga inilikas na residente sa Barangay Hall ng Kinayaw makaraang natabunan ng lupa ang kanilang mga tahanan.

Napag-alamang maraming pananim at alagang hayop din ang tinangay ng tubig-baha.

Nagpapatuloy naman hanggang sa ngayon ang search and rescue operation ng mga awtoridad sa mga nawawala sa nangyaring landslide na nagsimula bandang 6:00 nga hapon kahapon dahil sa ilang oras na pagbuhos ng malakas na ulan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply