15 dalagita nasagip sa pier

NASAGIP ng mga pulis ang 15 babaeng menor de edad dalawang oras bago umalis ang barko na sasakyan ng mga ito patungong Metro Manila na pinaghihinalaang malaking kaso ng human trafficking sa lungsod ng Cebu City.

Dalawang babaeng mag-ina na nag-asikaso sa pagbiyahe ng mga nabanggit na  menor de edad ang inaresto ng Maritime Police sa Pier 4 ng Cebu City at ngayo’y nakaditine na sa Waterfront Police Station.

Ayon kay Senior Ins. Joselito Blazo, OIC ng 701st Administration, Intelligence and Investigation Office of the Maritime Police 7, isang gwardya na nakapansin sa mga menor de edad na mukhang biktima ng human trafficking ang agad tumawag ng mga pulis kaya’t agad kumilos ang mga awtoridad upang imbestigahan ang grupo.

Nang tanungin ng mga pulis ang mga menor de edad, pinangakuan umano sila ng trabaho sa Maynila bilang mga katulong, waitress at yaya kung saan natuklasan ang mga eded ng mga ito sa 14 hanggang 17 ang edad at pawang mga residente ng Getafe, Bohol. Lahat umano ay mga hindi na nag-aaral.

Sinabi ng mag-inang recruiter ng mga ito na ngayon lamang nila sinubukan na kumuha ng mga menor de edad na mga tauhan. Maliban dito ay hindi na sila nagsalita at tumangging makipagtulungan sa pulisya.

Nahaharap ang mga recruiter na mag-ina sa kasong paglabag sa Anti-Human Traffiking in Persons Act ng 2003 at nakatakdang sampahan ng kaso sa Cebu Prosecutors Office.

Narekober sa mag-ina ang mga tiket ng mga menor de edad na nagkakahalaga ng P1,242 bawat isa na naglalarawan kung gaano kalaki ang kakayahan ng sindikato na gumastos sa kanilang operasyon mula sa biyahe sa Bohol hanggang Metro Manila. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply