150 baboy nalitson sa sunog sa Cebu

NALITSON ang may 150 alagang baboy sa isang pigerry makaraang masunog ito sa Central Biyasong, Talisay, Cebu.

Nabatid na pag-aari ang nasunog na piggery ng isang Maximo Lezandro Jr., ng nasabing lugar ngunit mabilis naming narespondehan ng Bureau of Fire Protection-Talisay at umabot lamang ito sa first alarm.

Tinatayang 20 minuto lamang ang tinagal ng sunog na napaulat na wala namang nasugatan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na may kinalaman sa electrical wiring ang pinagmulan ng sunog ngunit patuloy pa ring inaalam ang tunay na dahilan ng nasabing insidente.

Patuloy pang iniiimbestigahan ang pangayari bagamat lumabas sa inisyal na pagsusuri na may kinalaman ang electrical wiring sa piggery sa pinagmulan ng apoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply